Higit 200 miyembro ng Indigenous People ang naabot ng Department of Social Welfare and Development sa lungsod ng Caloocan sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng Oplan Pag-Abot ngayong Disyembre.
Ayon sa DSWD, agad dinala sa special processing center sa EDSA-White Plains ang mga katutubo para sumalang sa assessment.
Nakadepende rito ang tulong at intervention na ibibigay sa kanila kabilang ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa (BP2) program para maiuwi sa kanilang mga probinsya.
Kasama sa pinatututukan ni DSWD Sec. Gatchalian ang pagtulong sa mga IP na bumababa ng Metro Manila para mamalimos tuwing sumasapit ang Christmas season.
As of Dec. 14, umakyat na sa 1,172 ang mga naabot ng DSWD na ‘families and indibividuals in street situations’.
Ang Oplan Pag-Abot Project ay kasalukuyang nagsasagawa ng “Pag-Abot sa Pasko” kung saan maaring magsagawa ng gift-giving activity ang mga gustong makatulong sa mga bata, indibidwal at pamilyang nasa lansangan ngayong kapaskuhan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD