Tiniyak ni Office of Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepumuceno na handang mag-abot ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) sa local government units (LGUs) na maaapektuhan ng bagyong Kabayan.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Nepumuceno matapos mag-landfall ang bagyo sa Davao Oriental kaninang umaga.
Ayon kay Nepomuceno, naka-activate ang kanilang emergency preparedness and response (EPR) protocols sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Kasama sa mga protocol na ito ang pagpapakalat ng mga babala, pagsasagawa ng preemptive evacuation, paghahanda ng resources, pag-activate sa response clusters, at iba pang kinakailangang paghahanda sa bagyo.
Sa ngayon, naka-red alert ang NDRRM Operations Center kung saan pinaghahanda ang kanilang mga tauhan para sa agarang pagtugon sa sakuna. | ulat ni Leo Sarne