Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ngayong araw ang pamamahagi ng Pamaskong handog at pangkabuhayan para sa nasa 400 Person Who Use Drugs o PWUD ng lungsod.
Ayon kay Mayor Zamora, bahagi ito ng rehabilitation program ng lungsod para sa mga kababayan nilang dating nalulong sa iligal na droga at nangakong hindi na muling babalik sa masamang bisyo.
Bawat isa ay makatatanggap ng isang kabang bigas, hygiene kits, tatlong dosenang itlog, tatlong bag ng groceries na naglalaman ng mga de lata, kape, gatas, noodles, biskwit, cupcakes, mantika, toyo, suka patis at iba pa
Dito, ipinagmalaki rin ni Mayor Zamora ang kanilang naging tagumpay matapos ideklarang drug free ang kanilang lungsod at nais nilang mapanatili pa ito sakaling makapasa ang kanilang aplikasyon sa PDEA.
Kasunod nito, maghahandog din ang pamahalaang lungsod ng tulong pangkabuhayan para sa mga dating drug dependent katuwang na rin ang pribadong sektor. | ulat ni Jaymark Dagala