Tatlong dam na sa Luzon ang nagpapakawala sa ngayon ng tubig dahil sa mga pag-ulan sa watershed.
Bukod sa Angat at Ipo Dam, iniulat ng PAGASA Hydromet division na nagpapakawala na rin ng tubig ang Ambuklao Dam sa Benguet.
Isang gate ang binuksan sa naturang dam na may opening na .30 meter.
As of 6am, umabot sa 751.76 ang water elevation sa Ambuklao na malapit na sa normal high water level nito.
Samantala, patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig ang Angat at Ipo Dam sa Bulacan.
Nasa dalawang gate pa rin ang binukan sa Angat Dam na may isang metrong opening habang isang gate na lang ang bukas sa Ipo Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa