Maluwag ang daloy ng trapiko sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) ngayong umaga ng Pasko, December 25.
Sa inilabas na abiso ng NLEX-SCTEX ngayong alas-9 ng umaga, light traffic ang umiiral sa Balintawak, Mindanao, Bocaue, at San Fernando Toll Plaza.
Maluwag din ang trapiko sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX kabilang ang toll plazas at interchanges.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagpapatupad nito ng “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program sa buong expressway ngayong Kapaskuhan na tatagal hanggang January 2, 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa