Sa gitna ng nagpapatuloy na Traslacion ay inanunsyo naman ng MRT-3 na pinapayagan sa lahat ng istasyon nito ang pagpasok at pagsakay sa tren ng mga nakayakapak na deboto.
Ito ay bilang pakikiisa rin ng pamunuan ng MRT-3, sa makabuluhang Pista ng Itim na Nazareno.
Kadalasang tanda ng debosyon at panata ang paglalakad nang nakayapak ng mga deboto ng Poong Nazareno.
Samantala, hanggang sa mga oras na ito ay may paisa-isa pa ring deboto ang naglalakad patungong Quiapo Church para dumalo sa misa ngayong araw.
Karamihan pa rin sa mga ito ang nakayapak at nakasuot ng kulay dilaw at maroon na damit na may larawan ng Poong Nazareno.
Bagamat makulimlim pa rin ang panahon ay tumila naman na ang ambon sa bahagi ng Quezon Avenue. | ulat ni Merry Ann Bastasa