Target ng Philippine National Police (PNP) na magtayo ng 127 bagong istasyon ng pulis sa buong bansa ngayong taon.
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ay para maging mas epektibo ang PNP sa paghahatid ng serbisyong pangkapayapaan at kaayusan sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan din aniya ng mga karagdagang istasyon ay mas mapapahusay ang administratibong sistema ng pambansang pulisya.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ₱1.44 bilyon mula sa aprubadong budget ng PNP para sa 2024 ang nakalaan para sa pagtatayo ng 127 bagong istasyon sa 13 Police Regional Offices (PRO). | ulat ni Leo Sarne