Binisita ni Mayor Lani Cayetano ang 18 indibiduwal mula sa apat na pamilya na naapektuhan ng sunog, na pansamantala munang nanunuluyan sa barangay hall.
Ang mga apektadong residente ay agad binigyan ng Taguig Social Welfare and Development Office ng paunang tulong para sa kanilang muling pag-uumpisa ng kanilang buhay.
Muling pinaalalahan ni Mayor Lani ang lahat, na sundin ang mga hakbang sa kaligtasan mula sa sunog tulad ng pagtanggal ng saksakan ng appliances, pagpatay ng gas o electric stoves, at pagpatay ng kandila bago umalis ng bahay. | ulat ni AJ Ignacio