Nagpaalala si Vice President Sara Duterte sa mga kapulisan sa Region 11 na ipagpatuloy ang alab ng pagmamahal sa bayan at pagmamahal sa tungkulin para sa kapwa Pilipino.
Ito ang naging mensahe ng Pangalawang Pangulo sa pagdalo sa pagtatapos ng 185 na mga pulis ng Philippine National Police (PNP) Region 11-Public Safety Junior Leadership Course Class 2023 sa Davao City.
Ayon kay VP Sara, ang kanilang patuloy na pagsasanay ay patunay ng dedikasyon sa trabaho upang mapaigting at mapanatiling maayos, tahimik, at ligtas ang ating mga komunidad.
Inihayag din ni VP Sara, na saludo siya at nagpapasalamat sa ating mga kapulisan na handang magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Binati rin ng Pangalawang Pangulo ang lahat ng magigiting na miyembro ng PNP Region 11 dahil sa kanilang patuloy na huwarang serbisyo na nagresulta sa pagbaba ng krimen sa rehiyon sa nakalipas na taon. | ulat ni Diane Lear