Inaprubahan ng Komite ng Higher and Technical Education ang House Bill 9675, batay sa estilo at mga amyenda na nagmamandato sa lokal na pamahalaan (LGUs) na magtatag, magpairal at magmantine ng “Handog sa Oportunidad Para sa Edukasyon” (HOPE) Centers.
Ang HOPE centers ay scholarship hubs sa bawat at munisipyo at siyudad.
Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Quezon City Rep. Ma. Victoria Co-Pilar, may akda ng panukala na ang paglikha ng mga HOPE Centers ay tutugon sa problema ng hindi pagkakapantay-pantay ng akses sa edukasyon.
Layon din nitong lumikha ng integrated system of scholarship application upang maiwasan na ang tanging sa mga privilege students lamang ang nakakauha ng scholarship.
Sa ilalim ng panukala, ang HOPE Center ay maaaring itayo sa bawat congressional district sa mga Highly Urbanized Cities na siyang mag-uugnay sa mga tanggapan sa rehiyon ng Commission on Higher Education (CHED) para sa pangangasiwa.
Ang CHED Central Office naman ang mangangasiwa ng national scholarship program network.
Isasailalim ang mga centers sa tanggapan ng mayor o city mayor habang ang pondo sa operasyon at pagmamantine ng mga HOPE Center ay magmumula LGU internal revenue allotment at iba pang internally generated income, at ang probisyon sa technical assistance ng center, pagsasanay, at pangangasiwa ay isasama sa taunang badyet ng CHED.| ulat ni Melany V. Reyes