Kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) na negatibo ang mga banta ng pagpapasabog sa tanggapan ng DENR Central Office sa QC.
Ito ay matapos na bulabugin ng bomb threat ang tanggapan kaninang umaga na nagdulot ng maagang pagpapauwi sa mga kawani nito.
Ayon sa QCPD, matapos ang isinagawang inspeksyon at paneling operations sa buong tanggapan, negatibo ang bomb threat at walang senyales ng bomba o anumang Improvised Explosive Device (IED) dito.
Sa impormasyon ng QCPD, nagmula sa isang Japanese national ang bomb threat sa DENR na siya ring responsable sa naging banta sa MRT Kamuning Station noong Setyembre ng 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa