Namahagi ng relief goods ang Police Regional Office (PRO) 11 sa mga naapektuhan ng landslide sa Davao Oriental.
Ayon kay PRO 11 Regional Director PBGen. Alden Delvo, ginamit ang helicopter ng PNP Air Unit upang maihatid ang sako-sakong relief goods.
Kabilang dito ang 12 sako ng 25-kilong bigas, dalawang sako ng mga damit, apat na kahon ng mga delata, tatlong kahon ng instant coffee, 20 kahon ng food packs mula sa DSWD, 20 kahon ng samu’t saring mga gamot, dalawang kahon ng instant noodles at dalawang water filters.
Ipinamahagi ang mga ayuda sa Lupon Oval Sports Center sa Sitio Tionbocan, Davao Oriental kung saan laking tuwa naman ng mga benepisyaryo.
Kasunod nito, nangako ang PNP PRO 11 na magtutuloy-tuloy ang pagtulong nila sa mga mamamayang apektado ng kalamidad sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Leo Sarne
📷: PBgen Delvo