Umaarangkada na ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Developmemt sa mga pamilyang nasunugan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nakikipagtulungan na ang concerned field offices sa local government units upang matukoy ang iba pang anyo ng suporta na kailangan ng mga pamilya.
Sa Central Visayas, mahigit ₱994,000 halaga ng humanitarian aid ang ipinagkaloob sa 81 pamilya o 240 indibidwal na nasunugan sa Barangay Tingub, Mandaue City noong Pebrero 3.
Pinagkalooban sila ng DSWD Central Visayas regional office ng family food packs at iba pang non-food items.
Inaasikaao na rin para mabigyan ng tulong ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay Malabuhan at Barangay Apoloy sa Siaton, Negros Oriental.
Ang iba pang pamilya na pinagkalooban ng tulong ay mula sa Kawit, Cavite, Lipa City, Libon at Iriga City, Albay sa Bicol Region at Asipulo, Ifugao sa Cordillera Administrative Region.
Dagdag pa ni Lopez, may pakikipag-ugnayan na rin ang DSWD Fileld Offices sa Baguio City LGU para matulungan ang mga pamilyang nasunugan sa The Voice of America, Camp John Hay noong Pebrero 11 at mga nasunugan din sa
Kumalarang sa Zamboanga del Sur noong Pebrero 7. | ulat ni Rey Ferrer