Pinaalalahanan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga distribution utility na suriing maigi ang naging gastos ng mga generation company gaya ng fuel cost na kalaunay ipinapasa at binabayaran ng mga konsyumer ng kuryente.
Ayon sa ERC, kailangan protektahan ang mga konsyumer sa mga hindi karapat dapat na singil sa kuryente.
Inilabas ng ERC ang phayag kasunod ng sulat nito sa Meralco kahapon kaugnay sa 57 centavos per kilowatt-hour na dagdag singil sa kuryente para sa buwan ng Pebrero.
Sinabi ng Meralco na isa sa naging dahilan ng pagtaas ng generation charge ay ang paggamit ng imported na natural gas ng Sta. Rita at San Lorenzo Power Plants ng First Gas Power Corporation.
Mas mahal ito kumpara sa gas na mula sa Malampaya.
Ayon sa ERC, hindi pa nakapagsusumite ang Meralco ng validation report ukol sa paggamit nito ng mas mahal na gas. Kaya naman hindi pa pwedeng ipasa ang gastos na ito sa mga konsyumer.| ulat ni Diane Lear