Naglabas na ang Muntinlupa City Regional Trial Court ng Warrant of Arrest laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at kay dating BuCor Superintendent Ricardo Zulueta.
Batay sa inilabas ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 Criminal Case No. 23-315 kahapon, April 12, inilabas na ang Warrant of Arrest sa mga dating opisyal ng BuCor sa kasong murder.
Ang kaso ng dalawang dating opisyal ng BuCor ay non-bailable o walang piyansa kaya naman maari nang arestuhin si Bantag at si Zulueta ng Philippine National Police. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio