Igigiit pa rin ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang mungkahi na malagyan ng platform barriers ang linya ng MRT-3.
Ginawa ang pahayag kasunod ng insidente ng pagtalon sa riles ng isang pasaherong babae, kahapon
Ayon kay Asec. Jorjette Aquino, Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer in Charge, ang paglalagay ng platform barriers sa linya ay iminungkahi na noon.
Ito ay bilang karagdagang safety measures upang maiwasang mahulog sa riles ang mga pasahero mula sa platform, ito man ay sinadya o hindi.
Paliwanag ni Aquino, hindi ito natuloy dahil sa kawalan ng pondo.
Pero lahat ng ongoing railway projects ngayon tulad ng North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway Project ay mayroon nang naka-install na mga platform screen doors.
Pansamantala, ibayo pang paghihigpit ang ipinapatupad sa MRT-3 ngayon upang hindi na maulit pa ang kahalintulad na insidente kahapon. | ulat ni Rey Ferrer