Pinsala ng Tropical Depression Amang sa agrikultura, nasa Php12.34 million na — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala na ng inisyal na Php12.34 milyon na pinsala sa sektor ng agrikultura ang Department of Agriculture (DA), dulot ng tropical depression Amang.

Base sa initial assessment ng DA-Regional Field Office 5, kabilang sa mga nasirang pananim ay mga palay, high value crops, at livestock sa Camarines Sur at Sorsogon.

May1,324 magsasaka at 1,096.6 ektaryang agricultural areas ang naapektuhan ng bagyo.

Aabot sa kabuuang 663.9 metric tons ng produksyon ang nasira at hindi na mapakinabangan.

Bukod dito, nagsasagawa na rin ng assessment ang regional field offices ng DA sa epekto ng bagyo sa sektor ng pangisdaan.

Tinitiyak naman ng DA, na may mga hakbang silang ginagawa para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda upang makabawi sa idinulot na pinsala. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us