PNP Chief, pinangunahan ang pagbubukas ng 2 bagong police prov’l office sa Maguindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang pagbubukas ng bagong Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte Provincial Office sa Regional Headquarters ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa Camp BGen. Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao Del Norte.

Kasabay ito ng pag-biyak sa Maguindanao sa dalawang bagong lalawigan alinsunod sa Republic Act 11550 na niratipika sa plebisito noong September 2022.

Ang Maguindanao Del Sur PPO na pamumununan ni Police Colonel Roel S. Sermese ay naka-base sa Camp Datu Akilan Ampatuan sa Shariff Aguak, at saklaw ang 24 na Municipal Police Stations.

Habang ang Maguindano Del Norte Provincial Police Office na pamumununan ni PCol. James Gulmatico ay pansamantalang naka-base sa Camp BGen. Salipada K Pendatun, Parang, at sasakop sa 12 municipal Police stations.

Hinimok ni Azurin ang mga pulis ng dalawang bagong Provincial Office na magsilbi ng may disiplina, integridad, at propesyonalismo. | ulat ni Leo Sarne

?: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us