Sen. Nancy Binay, hinikayat ang Dept of Tourism na rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat nang rebyuhin ng Department of Tourism (DOT) ang mga proyekto ng Nayong Pilipino Foundation matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na aabutin na lang ng lima hanggang anim na taon ang pondo nito.

Kabilang sa pinarerebyu ng senador ang ₱1.5-billion na tourism oriented theme project na inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA).

Ipinunto ni Binay na ang partikular na proyekto ay nakapaloob sa Public Private Partnership (PPP) na nakalinya sa mandato ng NPF na ipakita ang kulturang Pinoy at maghanap ng ibang alternatibong source of income.

Sinang-ayunan ng senador ang opinyon ng COA na dapat nang maghanap ang Nayong Pilipino ng alternatibong pagkukunan ng pondo para sa operasyon nito.

Gayunpaman, sinabi ni Binay na dapat ay self-sustaining Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) ang Nayong Pilipino na mayroong prime assests na pagmamay-ari, kabilang na ang 15 hectare property nila sa Bay City o ASEANA na dapat pang i-develop.

Nasa NPF na aniya kung paano nila mama-maximize ang kanilang mga property para makakuha ng pondo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us