Mayroon nang 51 lalawigan ang apektado ngayon ng El Niño phenomenon ayon sa PAGASA.
Sa isinagawang National Forum on El Niño, tinukoy ng PAGASA na patuloy na tumataas ang bilang ng mga lalawigang nakararanas ng epekto ng El Niño.
As of Feb. 25, mayroon nang 10 lalawigan ang nasa dry condition, habang 17 naman ang nakararanas ng dry spell.
Bukod dito, umakyat na rin sa 24 ang bilang ng mga lalawigang tinamaan na ngayon ng drought o labis na tagtuyot.
Karamihan pa rin ng mga lalawigang apektado ng drought ay mula sa Northern at Central Luzon.
Kasunod nito, sinabi ng PAGASA na wala pa ring inaasahang sama ng panahon o bagyo na papasok sa bansa sa susunod na dalawang linggo.
Batay rin sa climate outlook ng PAGASA, posibleng ‘way below normal’ pa rin ang rainfall condition na maranasan sa NCR hanggang Marso. | ulat ni Merry Ann Bastasa