Positibo ang pananaw ngayon ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) dahil sa ganda ng tinatakbo ng kanilang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 project.
Ayon kay LRMC President at CEO Juan F. Alfonso, 97% nang tapos ang nasabing proyekto kung saan target mabuksan ito bago matapos ang taon.
Paliwanag ni Alfonso na patunay ang magandang tinatakbo ng proyekto sa tiyaga at dedikasyon ng kanilang grupo kasama ang mga contractors para maikonekta ang hindi mabilang na dami ng residente sa mga kalapit probinsya ng Metro Manila.
Dagdag ng opisyal na patapos na rin ang limang bagong istasyon ng LRT-1 kung saan sabayan nilang ginagawa ang test runs, telco installations at iba pa.
Layon nito na masiguro ang compatibility at kahandaan ng kanilang operasyon.
Sa oras na matapos ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 ay madaragdagan ng 6.2km ang nasabing linya ng tren kung saan ang unang phase nito ay ang Baclaran Station sa Pasay patungong Dr. Santos Station sa Parañaque City.
Inaasahang aabot sa 600,000 mananakay ang magbe-benipisyo sa Phase 1 ng nasabing extension project. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: LRMC