Drug den sa Pampanga, sinalakay ng PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lima katao ang naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang salakayin ang isang drug den sa Mabalacat, Pampanga.

Kasabay nito ang pagkakakumpiska ng humigit-kumulang sa Php103,500 halaga ng shabu, samu’t saring drug paraphernalias, at marked money na ginamit ng PDEA sa operasyon.

Base sa ulat ng PDEA-Central Luzon, ikinasa ang buy-bust operation matapos madiskubre ang drug den sa Barangay Dau.

Kinilala naman ni PDEA Director General Amoro Virgilio Lazo, ang limang drug personality na sina Alexander Rementilla, ang nagmamantine ng drug den; Edwin Orduña, Chrisner Serag,
Gloria Sabian, at Michelle Romero.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong isasampa laban sa mga naarestong drug suspect. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us