Pasig River Ferry Service, mananatiling operational bukas kasabay ng Eid’l Fitr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tuloy ang operasyon ng Pasig River Ferry Service bukas, Abril 21.

Ito ay kahit pa idineklarang regular holiday ang nasabing araw para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o Feast of Sacrifice ng mga kapatid sa relihiyong Islam.

Dahil diyan, mananatiling bukas at operational ang Pasig River Ferry System para makapaglingkod sa mga Pilipino mula ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi.

Ang Pasig River Ferry System ay may 13 istasyon na matatagpuan sa tabi ng ilog Pasig partikular sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa Pasig.

Gayundin sa bahagi ng Guadalupe at Valenzuela sa Makati; Hulo sa Mandaluyong; Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, Lambingan, at Quinta sa Maynila. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us