DSWD Sec. Rex Gatchalian, nakipagpulong sa Samahan ng 4Ps

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagdayalogo si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa mga miyembro ng 4Ps recipients na Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP) sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Angela Tubello.

Ayon sa DSWD, tinalakay sa pulong ang pagpapalawig ng mga programa para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) gaya ng probisyon sa edukasyon, negosyo, at pangkabuhayan upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad sa pamumuhay ng mga benepisyaryo.

Layon din nitong mabigyan ng linaw at tugon ang problema ng ilang benepisyaryo kaugnay sa implementasyon ng 4Ps.

Kabilang dito ang delayed na pamamahagi ng cash grants, kwalipikasyon ng “non-poor,” pagpapapirma ng waiver sa mga benepisyaryo na mag-eexit sa programa, at kakulangan ng preparasyon sa pag-graduate ng mga benepisyaryo ng 4Ps.

Tiniyak naman ng kalihim na lahat ng kanilang mga inilahad gagawan ng kaukulang aksyon batay sa mga alituntunin ng 4Ps.

Hinimok din nito ang SNPP na tulungan ang ahensya para maiparating ang tamang proseso ng paghahatid ng reklamo ng mga benepisyaryo gamit ang iba’t-ibang paraan na itinakda ng Grievance Redress System ng programa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us