DOTr, nagpasalamat sa mga tumulong upang maibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive ng PNR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng kanilang taos-pusong pasasalamat ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng mga opisyal at kawani ng iba’t ibang service unit nito sa ilalim ng rail sector.

Ito ay matapos ang matagumpay na pagbabalik sa riles ng nabalahaw na locomotive ng Philippine National Railways (PNR) sa pagitan ng Dela Rosa at EDSA Station nito, kagabi.

Ayonn kay Transportation Assistant Secretary for Rails Jorjette Aquino, hindi matatawaran ang ipinakitang bayanihan ng mga nasa rail sector na nagsama-sama at buong lakas na nagtulong-tulong para maibalik sa riles ang nabalahaw na tren.

Maliban sa mga tauhan ng Metro Rail Transit line 3 at Light Rail Transit line 2, Metro Manila Development Authority, tumulong din ang pribadong sektor tulad ng Sumitomo Corporation, TES Philippines Inc., EEI Corporation, Ravago Equipment.

Gayundin sina Montalban Mayor Ronnie Evangelista na nagpadala rin ng mga tauhan gayundin ang Romeo and Jayda Construction Supply, na nagpadala ng crane upang mabilis na maiangat ang nabalahaw na tren at maibalik sa riles nito.

Sa ngayon, balik normal na ang biyahe ng PNR mula Gov. Pascual sa Malabon at Tutuban sa Maynila patungong Alabang sa Muntinlupa gayundin sa Calamba sa Laguna. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us