ARTA, naglagay ng regional field office sa Iloilo City para pahusayin pa ang serbisyo ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang public at private sectors sa Western Visayas na mapapahusay pa ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan, at mapadali ang pagnenegosyo sa rehiyon.

Ito ay matapos na opisyal na ilunsad ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Regional Field Office nito sa Iloilo City.

Iginiit ni ARTA Secretary Ernesto Perez ang kahalagahan ng presensya ng ARTA sa national at local levels, upang suportahan ang paghahangad ng administrasyong Marcos para sa bureaucratic efficiency.

Aniya, patuloy na ipapatupad ng ARTA ang mandato nito sa mga rehiyon, upang masiguro na mapagsama-sama ang serbisyo ng gobyerno para magkaroon ng mahusay na karanasan ang publiko sa pakikipagtransaksiyon.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan doon ang pakikipagtulungan sa ARTA RFO Western Visayas sa pagbuo ng isang matatag na ekonomiya. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us