Hinirang bilang isang malaking tagumpay ni 6th Infantry “Kampilan” Division at Joint Task Force Central Commander Maj. General Alex Rillera ang idinaos na plebisito sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay MGen. Rillera, wala silang naitalang anumang untoward incidents sa lahat ng polling precincts sa BARMM.
Maliban na lamang aniya sa mga isolated cases na naranasan ng mga botante gaya ng hirap sa pagboto dahil sa pagkawala ng kanilang pangalan sa voters list.
Sa ginawang pagbisita ni Maj. Gen. Rillera sa ilang plebiscite areas noong Sabado, nakita nito ang pinaigting na collaborative efforts PNP at militar para masiguro ang seguridad ng mga botante.
Binati at pinasalamatan naman ni MGen. Rillera ang mga mamayan, sundalo, pulis, at iba pang mga tauhan ng pamahalaan sa kanilang pagkakaisa para masiguro ang tagumpay ng ehersisyo. | ulat ni Leo Sarne