Naitalang init ng panahon sa QC, pumalo sa 39°Celsius kaninang hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matindi pa rin ang init ng panahon na naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila partikular sa Quezon City kaninang hapon.

Hanggang kaninang alas-3:01 ng hapon, pumalo pa sa 39 degrees Celsius ang heat index o init factor ang naitala sa Science Garden sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang ganito kainit na panahon ay   kinokonsidera bilang “extreme caution”.

Posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion o heat stroke kung patuloy ang pagkababad sa init ng araw.

Batay sa two- day forecast ng PAGASA, makakaranas ng 40 to 39 degrees Celsius  na heat index ang Quezon City ngayong araw hanggang bukas, Abril 16.

Habang 42 to 40 na heat index ang mararanasan sa NAIA sa Pasay City ngayong araw hanggang bukas.

Samantala, 13 lugar naman sa bansa ang papalo sa danger level ang heat index ngayong araw, pinakamataas sa Dagupan City na aabot sa 45°Celsius.

Bandang alas-4:01 ng hapon, bumaba sa 38 degrees Celsius ang heat index sa Lungsod Quezon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us