Luzon at Visayas grid, muling isasailalim sa yellow alert ngayong hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isasailalim sa yellow alert ang Luzon at Visayas grid dahil sa pagnipis ng reserba sa kuryente.

Ipatutupad ang yellow alert status sa Luzon Grid simula mamayang ala-1 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi o tatagal ng sampung oras habang mula ala-1 ng hapon hanggang alas-10 naman ng gabi iiral ang yellow alert sa Visayas Grid.

Ayon sa NGCP, nawalan ng 1,969 megawatts ang grid dahil nasa 18 planta ang naka-forced outage habang tatlong iba pa ang kapos ang kapasidad.

Nasa 13,607 megawatts naman ang available capacity sa Luzon Grid habang ang peak demand ay 12,874 megawatts.

Samantala, nasa 13 planta din ang naka-forced outage habang 5 pa ang kapos ang kapasidad na nakaapekto sa Visayas Grid.

Kung sakaling kapusin ng suplay, pinayuhan ang mga electric coop, mga korporasyon at commercial establishments na kasapi sa Interruptible Load Program (ILP) na ihanda ang kanilang generator sets para makatulong na maiwasan ang pagkakaroon ng power outage. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us