Inaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-amang iligal na gumagawa ng baril at sangkot sa gun-running activities sa Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal noong Martes.
Kinilala ni CIDG Director Police Maj. General Romeo Caramat Jr. ang mga suspek na sina alias “Cesar” at alias “Zeus”.
Natagpuan sa kanilang posesyon ang mga ilegal na armas sa pagpapatupad ng search warrant na bahagi ng OPLAN “Paglalansag Omega”.
Kabilang sa narekober sa mga suspek ang: 13 iba’t-ibang units ng baril, 222 rounds ng assorted ammunition, 9 assorted magazines, at 1 rifle scope.
Ayon kay Caramat, ang dalawa ay itinuro bilang pangunahing supplier ng armas ng mga naaresto sa operasyon sa laban sa loose firearms noong nakarang Hulyo 2023.
Sinabi ni Caramat na ang pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakasamsam ng mga baril ay makatutulong sa pagpigil sa pagkalat ng iligal na armas at krimen sa CALABARZON at mga kalapit na lugar. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of CIDG