Nanguna ang isang babaeng kadete sa pagtatapos ng 223 miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Layag-Diwa” Class of 2024.
Si Police Cadet Ma. Camille Cabasis ng Lian, Batangas ay nakatakdang tumanggap ng Presidential Kampilan Award bilang class valedictorian sa PNPA graduation ceremony sa Biyernes.
Bago pa man pumasok sa PNPA, si Cabasis ay nagtapos ng cum laude sa Batangas State University na may degree sa criminology; at topnotcher sa Calabarzon sa 2019 Board Exam.
Siya ay naging miymebro din ng Reserve Officer Training Corps (ROTC) habang nagsisikap na working-student sa kolehiyo.
Ang PNPA “Layag-Diwa” Class ay binubuo ng 182 lalaki at 41 babaeng kadete, kung saan 198 ang nakatadang sumama sa PNP, 12 sa Bureau of Fire Protection (BFP), at 13 sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), bilang mga bagong tinyente at inspektor. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PNPA