Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na natapos na kaninang alas diyes ng umaga ng PNP Legal Service ang pag-review sa rekomendasyong bawiin ang License to own and Posses Firearms (LTOPF) ni Pastor Apollo Quiboloy.
Dahil dito, sinabi ni Fajardo na pirma na lang ni PNP Chief PGen Rommel Francisco Marbil ang kulang at posibleng maaprubahan ngayong araw ang pag-bawi sa lisensya ng mga baril ni Quibuloy at isa pa nitong co-accused sa kasong sexual abuse at human trafficking.
Sa oras na maaprubahan, agad aniyang ipatutupad ng Firearms and Explosives Office (FEO) ang kautusan at bibigyan ng pagkakataon si Quibuloy na isuko ang kanyang mga baril.
Kapag hindi isinuko ni Quiboloy ang mga baril, ituturing aniya ang mga baril na loose firearms.
Batay sa rekord ng FEO, 19 na baril ang naka-rehistro Pastor Quiboloy kung saan isa ang napaso ang lisensya noong Marso, ng taong kasalukuyan. | ulat ni Leo Sarne