May ari ng 2 inabandonang SUV na konektado sa 1.4 toneladang shabu, natukoy na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang may-ari ng dalawang inabandonang SUV na posibleng may kaugnayan sa nasabat na 1.4 na toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na ang nakabili at nakapangalan sa mga dokumento ng mga SUV ay kabilang sa “persons of interest” na umarkila ng bahay sa Nasugbu, Batangas na isinailalim sa search warrant kamakailan ng PNP.

Gayunaman, hindi muna pinangalanan ni Fajardo ang persons of interest dahil sa ongoing pa ang case build-up.

Iniulat din ni Fajardo na negatibo sa ilegal na droga ang test na ginawa sa dalawang SUV, at kasalukuyang nagsasagawa ng micro-etching procedure para sa posibleng naiwang DNA ng mga gumamit ng naturang mga sasakyan. Ang inabandonang itim na Toyota Land Cruiser at puting Ford Explorer na narekober ng Highway Patrol Group (HPG) sa San Luis, Pampanga noong Abril 21 ay nakita sa CCTV footage na kasama ng van na hinarang sa checkpoint, kung saan natagpuan ang malaking bulto ng shabu. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us