Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) Southern Metro Manila District Field Unit ang isang konsehala, ang asawa nito, at 2 iba pa sa ikinasang Oplan Paglalansag Omega sa Sitio Lontoc, Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite noong Sabado.
Sa ulat ng CIDG, kinilala ang mga suspek na sina Maria Theresa Puno asawa niyang si Joselito Puno , Jerone Gabelo at Jonard Crispo Adan.
Narekober sa mga suspek sa pagpapatupad ng search warrant na inilabas ng RTC branch 36 ng Calamba City, ang ilang baril, granada at mga bala.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek maging ang mga nakumpiskang armas.
Nahaharap ngayon ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms Ammunition and Regulation Act. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of CIDG