Mastermind at 3 kasabwat nito sa pamamaril sa alkalde ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, tinutugis na ng PNP matapos maglabas ng Warrant of Arrest ang korte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang isinasagawang manhunt operations ng Philippine National Police (PNP) laban tinuturong mastermind gayundin sa tatlo pang kasabwat nito sa pamamaril kay Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat noong January 2.

Ito’y makaraang maglabas na ng Warrant of Arrest ang Cotabato City Regional Trial Court Branch 13 laban kay Ansawi Limbona alyas Jojo Limbona dahil sa kasong murder gayundin sa tatlong iba pa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, hindi tumitigil ang Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station para madakip sa lalong madaling panahon ang target suspek gayundin ang mga kasamahan nito.

Giit ni Fajardo, dahil nabigo ang Pulisya sa unang pagtatangka nito na maisilbi ang warrant laban kay Limbona ay ibabalik muna ito sa korte at hihintayin ang paglalabas ng Alias Warrant of Arrest para sa naturang kaso na isang non-bailable offense.

Magugunitang nasawi sa ginawang pamamaril ng grupo ni Limbona ang Police escort ni Mayor Sinsuat na si PSSgt. Zahraman Mustapha Dicolano.

Kaya naman hiningi ni Fajardo ang tulong ng publiko sa kung sinuman ang makapagtuturo sa kinaroonan ni Limbona at mga kasabwat nito para sa agarang ikalulutas ng kaso.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us