Hiniling ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza sa pamahalaan na magsumite sa Kamara ng listahan ng mga barangay na maituturing na high-risk batay sa geo-hazard maps.
Sa gitna ito ng pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House committee on Disaster Resilience kaugnay sa nangyaring landslide sa Masara Davao de Oro kung saan 98 ang nasawi.
Pinagsusumite rin ni Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng listahan ng lahat ng building permit na inisyu sa mga geo-hazard site.
Giit ni Dimaporo, na ang disaster preparedness ay nagsisimula sa gobyenro.
Kung natukoy na aniya ang mga landslide prone area ngunit nagpahintulot pa rin ang lokal na pamahalaan na bigyan ito ng building permit ay talagang magkakaproblema.
Paliwanang naman ni DSHUD Region 11 Director Roberto Mauro Miguel Palma Gil, tinutukoy naman nila ang mga lugar na akma para tirahan ng tao.
Ang nagiging problema aniya, oras na ma-relocate na sila ay ibinibenta ang government housing o lupa, at babalik sa pinanggalingang lugar na disasetr prone. | ulat ni Kathleen Forbes