Isang babae sa QC, sugatan dahil sa pananaksak ng kapatid ng kanyang kinakasama

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humantong sa pananaksak ang alitan ng isang bente anyos na babae at ang kapatid ng kanyang live-in partner sa Quezon City.

Ayon kay Police Captain Anthony Dacquel, hepe ng Station Investigation Detective Management Unit ng QCPD Station-14, pinagbabantaan umano ng biktima ang suspect na ipapaholdap ang kanyang mga kaanak o ‘di kaya ay papatayin.

Aniya, habang nagdadabog sa bahay ang babae ay pinagsabihan ito ng lalaki.
Kinalaunan ay kumuha ang suspect ng kutsilyo at sinaksak ang babae sa leeg ng isang beses at sa balikat ng dalawang beses.

Agad na naisugod sa ospital ang babae at napagamot ang kanyang mga sugat.

Tinawagan ng ospital ang pulisya kaya agad na nahuli ang lalaki sa follow-up operation.

Aminado ang lalaki sa pananaksak dahil hindi na niya matiis ang pagbabanta nito.

Aniya, madalas din mag-aksaya ng tubig ang biktima at ikinakalat pa ang ilang kagamitan sa bahay.

Nagdesisyon naman ang biktima na lumagda ng waiver na nagpapatunay na hindi siya magsasampa ng kaso.  | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

?: QCPD PS-14

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us