MMDA, may abiso sa mga motorista kaugnay sa mga lansangang lalapatan ng aspalto simula mamayang gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa mga isasagawang roto milling at asphalt overlay ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula alas-10 mamayang gabi.

Kabilang sa mga kukumpunihing lansangan ay ang Balete Drive mula Mabolo St. hanggang Bougainvilla St.; C-5 E. Rodriguez Jr. Avenue (southbound) mula sa tapat ng UniOil hanggang sa harap ng Be Safe MD Inc.; at Arayat St. mula Cristobal hanggang Malabito.

Tatagal ang gagawing pagkukumpuni sa mga nabanggit na kalsada hanggang ala-5 ng umaga ng Mayo 2.

Hanggang ala-5 naman ng umaga ng Mayo 3 tatagal ang isasagawang repair sa soutbound ng BIR Road, mula Quezon Avenue patungong East Avenue partikular na sa 1st at 2nd lane nito.

Habang tatagal naman hanggang ala-5 ng umaga ng Mayo 5 ang repair works ng DPWH sa westbound lane ng Kalayaan Ave. mula V. Luna hanggang Kamias Rd.

Samantala, sisimulan naman sa gabi ng Abril 29 ang repair sa Boni Serrano Flyover Northbound at Southbound, at tatagal hanggang ala-5 ng umaga ng Mayo 5.

Dahil dito, inaabisuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta upang makaiwas sa abala sa kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us