Malaki pa ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng trough ng LPA.
Ayon sa DSWD, mayroon pang halos 4,000 pamilya o katumbas ng higit 15,175 indibidwal ang nananatili sa 192 evacuation centers.
Samantala, umakyat na rin sa 17,655 ang bilang ng pamilya o katumbas ng 51,000 indibdiwal ang apekatdo ng Bagyong Aghon sa siyam na rehiyon sa bansa.
Apat na kabahayan din ang labis na nasira ng mga pagulan habang 18 ang partially damaged.
Tuloy tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng P1.4M halaga ng humanitarian assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa