Nanutralisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) ang 48 teroristang komunista, at narekober ang 91 armas sa 33 enkwentro mula Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.
Ito ang ipinagmalaki ni VISCOM Commander Lt. General Fernando M. Reyeg, kasabay ng pagpuri sa accomplishment ng mga tropa, sa kanyang 2 araw na pag-iikot sa iba’t ibang unit ng VISCOM.
Dito’y pinarangalan ni Lt. Gen. Reyeg ang 34 personnel para sa kanilang inisyatiba sa pakikipaglaban, peace-building, at disaster response, bilang pagkilala sa kanilang propesyonalismo at dedikasyon sa serbisyo.
Binilinan ni Lt. Gen. Reyeg ang mga tropa na patuloy na pag-aralan ang mga bagong pamamaraan para magtagumpay sa kanilang misyon.
Paalala ng Heneral, sa panahon ngayon ay mahalaga ang “adaptability” para matapatan ang mga pinakahuling taktika ng kalaban at pagbabago sa operational environment. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of VISCOM