Nag-deploy ang Police Regional Office (PRO) 6 ng 299 pulis na nagsanay sa ilalim ng Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) Program, sa 17 Geographically Isolated and Disadvantaged Areas and urban barangays (GIDAS) sa Western Visayas.
Ayon kay PRO 6 Regional Director Brig. Gen. Jack Wanky, kabilang sa GIDAS ang tig-isang barangay sa
Aklan at Antique, 2 sa Iloilo City at Negros Occidental, 3 sa Capiz, at tig-apat sa Iloilo province at Bacolod City.
Ang pag-deploy ng mga pulis sa barangay na may espesyal na kasanayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagtugon sa mga karaniwang problema sa komunidad, ay para masiguro na magtuloy-tuloy ang nakamit na tagumpay ng community support programs.
Ang mga pulis sa barangay ay susubaybayan ng oversight committee para masiguro na magagampanan nila ang kanilang mandato sa loob ng anim na buwang “immersion period”. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PRO 6