Gagamit ng Artificial Intelligence (AI) ang Philippine National Police sa computerization ng proseso ng pag renew ng License to own and Possess Firearms (LTOPF).
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa isang ambush interview matapos dumalo sa 2nd Philippine National Police Press Corps (PNPPC) shootfest sa Quezon City Police District (QCPD) Shooting Range, sa Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.
Ayon kay Marbil, ang paggamit ng AI sa accounting ng mga firearms ay upang makita agad kung may “duplication” sa record ng mga nai-transfer na baril.
Ito aniya ang magpapabis sa “full computerization” ng systema sa pagrenew ng LTOPF upang maging mas kumbinyente sa mga gun-owners.
Sa pamamagitan aniya nito ay hindi na kakailanganing personal na magpunta sa Camp Crame ang mga Gun-owners para sa renewal ng kanilang LTOPF. | ulat ni Leo Sarne