Walang na-monitor ang Philippine National Police (PNP) na seryosong banta sa pagdaraos ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22.
Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, ang possibleng epekto lang sa trapiko ng seguridad na ipatutupad ng PNP ang kanilang pinag-aaralan upang hindi mahirapan ang mga commuter.
Sinabi rin ni Gen. Marbil na walang problema ang PNP sa mga gustong mag-protesta basta’t gawin nila ng maayos para hindi ma-inconevience ang publiko.
Magtatakda aniya ng mga “designated areas” para sa mga rallyista at ipatutupad ng PNP ang “Maximum tolerance”.
Sa ngayon aniya ay patuloy ang koordinasyon ng pamahalaan sa iba’t ibang militanteng grupo para walang “misinformation” pagdating sa mga inaasahang kilos protesta. | ulat ni Leo Sarne