Pinangunahan ng Naval Forces Northern Luzon (NFNL) ang pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng Philippine Rise bilang demonstrasyon ng soberenya ng bansa sa naturang bahagi ng Pacific Ocean.
Ang komemorasyon ng Philippine Rise ay kinatampukan ng Send-Off Ceremony kahapon para sa BRP Jose Rizal (FF150) sa PPIC Pier 1, Poro Point, na pinangunahan ni NFNL Commander, Commodore Edward Ike M De Sagon, kung saan panauhing pandangal si Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. Gen. Fernyl Buca.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Commodore De Sagon na ang aktibidad ay bahagi ng pagtataguyod ng marine conservation at sovereign rights ng bansa sa Philippine Rise para sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.
Kasunod nito, nagsagawa ng Flag-raising Ceremony sa BRP Jose Rizal sa Philippine Rise, na sinabayan ng fly-by ng C-130 aircraft na pagpapakita ng kapangyarihan ng bansa sa kanyang maritime at aerospace domain. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of NFNL