Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 117,676 pamilya ang apektado ng Southwest Monsoon at Low Pressure Area (LPA).
Sa huling situation report ngayong araw, ang mga apektadong pamilya na katumbas ng 572,997 indibidual ay mula sa 429 barangay sa Mimaropa, Region 7, 9, 10, 11, 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa bilang na ito, 5,395 pamilya o 22,253 indibidual ang kasalukuyang nasa mga evacuation center, habang 65,739 pamliya o 327,001 indibidual ang pinagkakalooban ng tulong sa labas ng evacuation center.
Nananatili naman sa 7 ang bilang ng mga iniulat na nasawi, kung saan 4 ang kumpirmadong nasawi sa Region 9, at isa sa Region 10.
Habang patuloy pang bineberipika ang isang iniulat na nasawi sa Region 11 at isa sa BARMM. | ulat ni Leo Sarne