Siniguro ni PNP Chief Rommel Marbil na titiyakin ng pambansang pulisya, katuwna ng iba pang ahensya ang mapayapang pagdaraos ng kauna-unahang BARMM elections.
Sa pagsalang ng panukalang P281.3-B 2025 budget ng DILG sa Kamara, nausisa ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang PNP kung mayroon ba silang road map para sa paghahanda sa eleksyon.
Tugon naman ng PNP Chief, mayroon na silang binubuong Task Force Mindanao.
Hiniling na rin aniya niya ang permiso ng DILG Secretary para siya ay makalipad pa-Mindanao upang makipag pulong sa AFP at iba pang ahensya para maikasa ang naturang task force at mailatag ang plano para sa ligtas, matiwasay at payapang BARMM parliamentary elections sa 2025. | ulat ni Kathleen Forbes