Ibinida ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang e911 services nito para sa mabilis na pagtugon ng mga awtoridad sa iba’t ibang emergency.
Dito, mas mabilis at centralized na ang pagtugon ng Pamahalaan sa mga tawag ng publiko gamit ang makabagong teknolohiya na hinango mula sa 911 emergency service ng Amerika.
Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos Jr., sinimulan sa PNP ang naturang sistema at balak niya itong palawakin sa iba pang ahensya ng Pamahalaan gaya ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Gayundin sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) maging sa iba’t ibang Lokal na Pamahalaan sa buong bansa.
Magugunitang lumagda kamakailan ng isang Memorandum of Agreement and DILG sa TelCo giant na PLDT gayundin sa US Firm na Next Generation Advanced na siyang founder ng 911 emerency hotline.
Sa kasalukuyan, 20 Pulis ang tumatao sa Command Center sa bawat shift para tumanggap ng tawag o sumbong. | ulat ni Jaymark Dagala