Ginawaran ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ng Outstanding Achievement Medal (OAM) si dating DND Sec. Renato De Villa sa DND Social Hall.
Ang parangal ay bilang pagkilala sa natatanging pamumuno ni de Villa sa kagawaran mula Hulyo 20, 1991 hanggang Setyembre 15, 1997.
Pinasalamatan ni Sec. Teodoro si De Villa na nagsilbing ika-18 kalihim ng kagawaran, sa kanyang mahusay na serbisyo sa departamento sa kanyang panunungkulan.
Ayon kay Sec. Teodoro, ang pamumuno ni De Villa ay nagsisilbing magandang ehemplo na karapat dapat tularan ng lahat ng opisyal ng Sandatahang Lakas, at mga susunod na kalihim ng DND at Executive Secretary.
Kabilang sa mga dumalo sa awarding ceremony sina: dating SND Eduardo R. Ermita, dating AFP Chief of Staff Ret. Gen. Alexander B. Yano, at iba pang matataas na opisyal ng DND at Armed Forces of the Philippines. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of DND