Naglabas ng memorandum order ang Malacañang para sa pag- aapruba ng deputization pareho ng PNP at AFP kaugnay ng gagawing plebisito sa paghihiwalay ng anim na barangay sa Bagong Silang sa Caloocan.
Sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 31 ay binigyan ng ‘go signal’ ng Pangulo ang hiling ng Commission on Elections En Banc para sa pagiging deputado ng mga nabanggit na law enforcement agencies.
Ito’y upang matiyak na din ang maayos, matapat at may kredibildad na botohan.
Kaugnay nito’y inaatasan ang nabanggit na kinauukulang ahensya ng gobyerno na makipag-ugnayan sa Comelec.
Sa ilalim ng RA NA 11993 ay hahatiin ang Barangay Bagong Silang sa anim na independent barangays.
Idaraos ang plebisito bukas, August 31 para sa pagratipika sa paghahati ng barangay. | ulat ni Alvin Baltazar