Hinihikayat ng Housing Department ang mga lokal na pamahalaan na samantalahin ang Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) para sa kanilang mga residente na nasiraan ng bahay, partially o totally damaged man.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Housing USec. Randy Escolango na sila na mismo ang lumalapit at nagpapabatid sa mga LGU ng programang ito, kung saan makakatanggap ng hanggang P30,000 ang mga pamilya na ganap na nasira ang bahay.
Habang P10,000 assistance naman para sa partially damaged.
Sabi ng opisyal, pinadali ng pamahalaan ang requirements para dito, upang hindi na mahirapan ang mga mamamayan sa pag-claim ng ipagkakaloob na assistance. | ulat ni Racquel Bayan